Wednesday, July 20, 2011

Wag Kang Maingay

"Kuki Slipknot" yan ang pangalan ng computer shop na pinuntahan ko kanina para i-check ang aking mga online accounts, sa pc no.3 ako nakaupo, ang pc doon AMD, ang monitor lcd hindi ko alam ang eksaktong inch pero malapad, ang mouse at keyboard swabeng-swabeh. Headset, para kang nasa recording studio at feeling ko isa akong dj. Ang upuan, parang trono dahil komportableng-komportable at parang ikaw ang nagmamay-ari ng shop. Ang internet speed, okay rin satisfy naman ako. Magkano per hour? Abay 10pesos lang. Ideal service ng isang computer shop san kapa?Sya nga pala, Semi air conditioned kase parang hindi lahat ng sulok ng shop ay abot ng lamig ng aircon.


Isang factor lang ang nagpapangit sa nabanggit na shop, yun ay ang kaingayan ng grupo ng kabataan. Isa lang naman ang nagrerent sa kanila pero ang ingay nila dahil nagmumurahan dahil sa katangahan ng isat-isa. Nanonood kasi ako ng WOTL sa youtube with max volume pero nangingibabaw parin ang kaingayan ng mga hinayupak na yun. Mahigit 1h23mins ko ding tiniis pero hindi ko na nakayanan, hindi ko na tinapos ang isat kalahating oras. Nag end session na ko, nagbayad ng 15 pesos kay koya at sinabi ko: "koya, ang ingay nila" ang sabi naman ni koya: "oo nga eh".


Ang masasabi ko lang sa mga batang yon:
"punyeta! mga p*+@ng #-a nyo! pakyu kayo ng 1h23mins." wala silang mga ethical values.


Babalik nalang ako sa shop ni mang Jun kahit walang erkon walang maingay.

No comments: