Sunday, July 24, 2011

Isang Linggong Talunan

Naranasan mo na bang magkapareho at paulit-ulit ang kapalaran mo araw-araw sa loob ng isang linggo? Ako naranasan ko na.

Nangyari ito noong kasagsagan prelim examination week. Isa hanggang dalawang subject lang ang ineexam kada araw kaya maaga ang uwian at dahil don may oras pa para magdota ang barkada. Kada game iba-iba ang hero ko pero araw-araw talo.
Nagsasawa na yata sakin si dota o marahil matagal na rin akong hindi nakapaglalaro. Halos isang buwan rin natigil ang aking career sa dota. Parang sinasabi sakin ng ispirito ng dota na "wag ka nang magdota talunan ka".

Dapat ko na bang itigil? Sagabal din naman kase sa pinag iipunan ko dahil masyadong magastos ang araw-araw na pagdodota.

Isang linggo ka ba namang talunan eh!

No comments: